Magpuri
Na-stroke si Tom at nawala ang kanyang kakayahang makapagsalita. Dumaan siya sa mahabang proseso upang makapagsalita muli. Makalipas ang ilang linggo, nagalak kami ng makita si Tom na dumalo sa pagtitipon para sa Thanksgiving. Nagalak kami ng tumayo siya upang magbahagi. Nangangapa sa mga salita at nalilito pa rin siya sa mga nais niyang sabihin. Pero isa lang malinaw: nagpupuri siya…
Hamon
Nabago ang buhay ni Dennis ng bigyan siya ng Biblia. Nawili siya sa pagbabasa at ang aklat na ang lagi niyang kasama. Sa loob ng anim na buwan, dalawang pangyayari ang dumating kay Dennis na nakapagpabago sa kanyang buhay. Una, nagtiwala siya sa Dios para sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan.
Pangalawa, nalaman niyang mayroon siyang tumor sa utak matapos makaranas…
Hamog
Isang umaga binisita ko ang pond na malapit sa aming bahay. Naupo ako sa isang nakataob na bangka habang nag-iisip at nanonood ng paghampas ng hangin sa parang ulap sa ibabaw ng tubig hanggang sumikat na ang araw at tuluyan ng nawala ang ulap.
Nagpagaan sa aking damdamin ang nakita kong tanawin dahil iniugnay ko ito sa kababasa ko pa lang…
Tunay Na Lingkod
Naging pinuno si Octavian ng rehiyon ng Roma at tumayong emperador nito dahil sa pagkapanalo niya sa mga labanan. Ngunit noong 27 BC, ipinaalam ni Octavian sa kapulungan ng Senado ang kanyang pagbaba at pagbabaubaya sa pamumuno ng empiryo at nanumpa bilang isang opisyal na lamang. Ngunit pinarangalan pa rin si Octavian at binansagang lingkod ng empiryong Romano. Pinangalan din…
Sa Kanyang Patnubay
Aksidenteng may nakapagdeposito ng 120,000 dolyar sa bangko ng isang mag-asawa sa kanilang account at ginamit nila ang pera para bumili ng mga bagay na gusto nila. Bumili sila ng iba’t-ibang uri ng sasakyan. Nagbayad din sila ng kanilang iba pang bayarin. Pero, nang madiskubre ng bangko ang kanilang pagkakamali, hiniling nilang ibalik ng mag-asawa ang pera. Sa kasamaang palad, nagastos…